June 16, 2015

Today,

as I go with my usual commuters’ morning..

may sumakay na lalaki.. naka standing na sya kasi punuan na sa bus. Lumapit na yung konduktor para singilin sya. Inabot nung lalaki yung bente pesos nya. Sabi ng konduktor “san ‘to?” sagot nya “sa Pedro Gil po”. Inulit ni mamang konduktor ang tanong “san ‘to?’. Inulit din nung lalaki ang sagot “Pedro Gil po”.

Kaya pala ganun kasi kulang ang binigay na pamasahe nung lalaki. I think it would cost him around 40+ pesos.

Nagtanong ulit si mamang konduktor “wala na bang iba?” sagot nung lalaki “wala na po eh”.

Akala ko magagalit o maiinis si mamang konduktor kasi ganun ang lage kong nasasaksikan. Actually kalmado lang sya nung time na yun. Tinikitan nya yung lalaki ng 20 pesos equivalent. Pagkaabot ng ticket sabi ni mamang konduktor dun sa lalaki “oh ikaw na bahalang magsabi kay inspector ha”.

Yung mga ganitong pangyayari di na siguro napapansin ng ibang tao pero dahil nasaksihan ko ang pangyayari, sana lang dumami pa ang mga gaya ni mamang konduktor. Maliit na bagay para sa ilan pero malaki ang epekto nun sa mga taong gaya ni Kuya na sumakay ng bus, some is life changing maybe. God bless you mamang konduktor.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s